ang probinsyano

ANG PROBINSYANO: Magtatapos na nga ba sa susunod na buwan?

Views: 16
0 0
Read Time:1 Minute, 8 Second

Matapos ang halos 6 na taon ng pag-ere, Ang Probinsyano magtatapos na nga ba? 

Kamakailan lang, nakita natin ang pagkamatay ng karakter ni Yassi Pressman na si ‘Alyana’ sa teleserye kung saan pinagusapan at pinagdebatehan ng mga ‘fans’ ng serye kung ano ang naging dahilan. Ito nga ba ay dahil sa magtatapos na ang sikat na sikat na serye ni Coco Martin? 

Photo from ABS-CBN

Ayon sa ABS-CBN Communications head na si Kane Choa, hindi totoo ang balitang magtatapos na ang serye sa susunod na buwan. Dahil sa ibinalita ng isang pahayagan  na “ the final taping week is already scheduled and many of the cast members are already aware that the show will already have its finale next month.” Ayon din sa nakapanayam ng PEP.ph, “katatapos pa lang ng 6th cycle ng lock-in taping at may mga susunod pa dito”

Tunay ngang kilala at maraming humahanga sa teleserye ni Coco Martin kaya’t nagulat ang marami sa balitang magtatapos na ito sa susunod na buwan. Dapat tayong manigurado sa mga pahayag at tanging ABS-CBN mismo ang mag-aanunsyo ng pagtatapos ng isang serye, tulad ng Ang Probinsyano. 

Tuloy ang laban': Yassi Pressman reveals Coco Martin's soft side as 'Ang  Probinsyano' turns 5 | Philstar.com
Photo from Philstar

Patuloy pa ring ipinapalabas ang ‘Ang Probinsyano: Tuloy Ang Laban’ sa A2Z Channel, Kapamilya Online Live at iWanTFC!

Featured photo reference: LionHearTV

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Leave a Reply

Your email address will not be published.